Tuesday, May 6, 2008

Adaptation from AULD LANG SYNE by BEVERLY CREASEY

Adaptation from BEVERLY CREASEY’s AULD LANG SYNE by RicMad


The action takes place at the present in the late afternoon in front of a mall in Tabaco.

Characters

ANNA (A) – a fashionable woman

CHARLES (C) – a well – dressed man

Setting

The script demands no scenery.

At Rise

CHARLES has just left work and is waiting in front of the mall. ANNA walks by, hesitates, decides to recognize him, and speaks.

A: Charles, I thought you live in Baguio. Last I saw your mother, she said you had taken a position in the city hall, fundraising or something, but that was last year when I saw her. You’re here! What a surprise!

C: Anna, muntik na kitang hindi mamukhaan. Ano, ano kasi, tama, bumalik ako galing Baguio four weeks o isang buwan ata. Hindi ko gusto ang Baguio.

A: ‘Di ba iyan ang gustong gusto mong puntahan after graduation in college – Baguio. Tapos hindi mo gusto.

C: Hindi. Kasi um hindi ko kasi … gusto … Hindi kasi… nagworkout.

A: Si Howard Bragais ay nasa Baguio na. Nagkita kami ng asawa niya sa LCC Superama siguro last week or last month. Sabi niya galing daw doon sila sa Baguio. Good venue daw kasi ang Baguio specifically sa Camp John Hay to do a research about a cancer cure. Pero bumalik lang sila ‘cause instead of finding a cancer cure ayon inatake sa puso… si Catherine. That’s why they came back here in Bicol. They had to start completely over again… Nahirapan ka ba in moving back?

C: Bragais?

A: Howard Bragais. Catherine Bragais at iyong kanilang 3 liitle kids. Baka nga marami na ngayon, eh. Charles, magkakasama tayo dati pagnanonood ng sine.

C: Ay oo. Siguro si…

A: Charles, tayong apat ay nanood ng “Unfaithful”, bida nga si Dianne Lane. May naaksidente nga noon. Someone broke his foot there while watching. Si Howard pilit na gustong tumulong kahit walang alam sa broken bones because he’s a DNA researcher...Sabi mo nga para siyang loko loko at nagmamarunong… oh never mind.

C: Umhh. Sa tingin ko alam ko na kung sino ‘yang sinasabi mo. Saan na sila nakatira ngayon?

A: Sa Legazpi, malapit lang sa amin, but they’re not important. This conversation is not about the Bragais… Charles, I thought of you today, at breakfast. I have this signs… na magkikita tayo ngayong hapon. I’m sure of it. I have them all the time…pero ‘di ba ‘lam mo na ‘yan. Parati mo nga akong pinagtatawanan kapag binabantaan kita about my visions.

C: Hindi ko matandaan.

A: Charles! Pinagaawayan natin lagi ito. Ayaw kitang mag bus dahil nakikita ko sa aking vision na magkakaroon ng aksidente kaya nagfifilcab ka nalang. Charles, hello, are you still there? No. No. I am sorry I said that. I am happy that we have met again. There’s absolutely no point in bringing up these things. I’m glad you’ve let it go. Pinapangarap ko talaga na kapag nagkita tayo muli sana ay makalimuatan mo na ang mga away natin.

C: Nakalimutan ko na. Konti na lang ata naaalala ko. Gusto ko nga sanang ibalik ang mga nangyari last year o last week pero wala talaga… Nag-asawa ka na ba? Si Mama siguro ang nakapagsabi sa akin.

A: No, I almost did but… No, wala pa akong asawa. Ikaw?

C: Wala, sa totoo wala. Takot ako, eh. Palpak ako sa relationship, alam mo ‘yan ‘di ba?

A: No, huwag mong isipin ‘yan. ‘Di sa ‘yo ang problema. Maganda iyong relasyon natin, ‘di ba? Don’t blame yourself at nagkahiwalay tayo.

C: Hindi ko sinisisi ang sarili ko. Hindi ko na nga iniisip… Pinipilit ko magisa, hiwalay sa mundo…Mga sira ulo na ang mga tao ngayon. Wala na akong pakialam.

A: Hindi ka ganyan ka negative noon.

C: Matanda na ako, eh.

A: Well, I’m not… negative, I mean. Takot ako mag-isa. You are a coward if you keep hiding yourself.

C: Okey lang kung tawagin akong duwag. Wala na epekto sa akin ‘yan.

A: Fidge.

C: Ano?

A: Fidge. F.I.D.G.E., Fidge. Nerbiyoso… Naalala ko. I used to call you “Fidge.”

C: Talaga?

A: Charles! Wala ka talagang naaalala sa ating relasyon kahit isa. I called you Fidge kasi parati kang nerbiyoso at parating kinakabahan pag nanonood tayo ng sine o play o concert.

C: Hindi na ako nanonod ng concert ngayon. Ang play naman ay pambata. Marahil, kinakabahan ako minsan pero ‘di ko na iniisip. Alam mo kasi, ano, pag naka adjust ka sa ikot ng mundo at alam mo kung ano ang gusto mo para sa iyo, alam mo rin kung paano at saan ka komportable. Hindi mo na napapansin ang mga bad comments sa iyo ng ibang tao maging sino man sila.

A: I wish I had understood then about you. I wish I had understood a lot of things. Sorry sa lahat nang nangayari. (Starts to cry.) Please, forgive me. (Holds Charles.)

C: (Extricates himself.) Anna, para saan? Sinabi ko naman sa iyo na nakalimutan ko na ang lahat. Pag sinabing lahat, lahat iyon… Kaya please huwag mong sabihin ‘yan. It’s not important. Maniwala ka.

A: Please, Charles. I do remember, and it is important to me. Maybe we have met for a reason. Maybe this is our chance to undo something, my chance to tell you something.

C: Excuse, pero, walang dapat iaayos o ibalik o dapat kang sabihin. Aksidente lang ang lahat ng ito. Tiga Tabaco ako, tiga Legazpi ka. Malapit lang ‘di ba. Natural lang na magkita tayo. Pagkakataon lang lahat ito.

A: You can believe it’s coincidence if you want, but I needed to see you. I’ve wanted for a long time. I’ve been thinking about us, about what happened. I need to tell you something.

C: May sasabihin ka?

A: Yes.

C: Ngayon?

A: Yes.

C: Tagal na nating nag break, ano pa bang napaka-importante na pwede mong sabihin... Nahanap mo na iyong “MP3 Player” ko?

A: Aghhh!

C: Joke. Napakasensitive mo naman. Dapat kalimutan mo na ‘yang iniisip mong napakaimportanteng sasabihin sa akin. Past is past. Masasaktan ka lang pag-pilit mong binabalik mo… Let go.

A: Kagaya mo? You let memories go? You C-O-W-A-R-D! Coward! You let life go. You let me go. Pwede mo akong pigilan noon ngunit ‘di mo ginawa, wala kang pakialam. Wala kang pinahahalagahan. Ano ba ang mahalaga sa iyo?

C: MP3 Player ko.

A: You’re making this a joke because you don’t want to hear what I want to say.

C: Uy, baka may makarinig sa atin, isipin na may relasyon pa tayo.

A: I’m sorry. Hindi naman sa ganoon. I just want to tell you something. It’s I who has to apologize. (She is practically on top of Charles.)

C: Hoy. Hindi na ako comportable dito. Sa totoo di ako puedeng mag-tagal…Magkikita kami ng mga kaibigan ko…pagnakita ka nila…baka isipin nila na …pero alam nila na meron akong past relationship… pero ayaw ko na kasing maging komplikado. Ayaw kitang masaktan pero ‘di ko kayang gawin ito. Naiibahan talaga ako dito.

A: For God’s sake, Charles. I’m not going to embarrass you in front of your friends. It’s not like I’m going to shoot you. Hindi naman kita babarilin, ano. After two long years, I just want you to listen for one short minute. Can you give me one minute?

C: Puede bang barilin mo na lang ako?

A: Alam mo, parati mo na lang iniiba ang usapan. You’re always escaping. Bakit ka matatakot?

C: ‘Di ako takot…Bukas lang ang isipan ko.

A: Bukas sa magkabilaan.

C: …Marami rin akong naaalala.

A: Ano?

C: Marami.

A: I can see that I’m not being fair to you. Hindi talaga fair na pinipilit ko lahat ng aking mga gusto.

C: Ok lang iyon.

A: No. ‘Di ba pag hindi ko na kukuha ang gusto ko nagagalit ako at nagtatampo sa iyo.

C: Ok lang iyon sabi.

A: Eh, bakit nagkaganoon?

C: Ano bang nangyari?

A: We broke up.

C: Akala ko nagbreak tayo kasi bored ka na.

A: Bored? Yon lang? No questions, no protests, no feelings?

C: My feelings ako.

A: Meron nga ba? Hindi ko masabi.

C: Kaya nga hindi na sabi importante ang mga nakalipas.

A: Importante ito. Akala ko kasi wala kang pagpapahalaga sa akin noon. Kaya umalis ako. I broke up with you. Why did you not care for me?

C: I cared for you.

A: Eh, bakit ‘di ka pumunta sa school. Hindi mo nga alam kung ano ginagawa ko doon. Ayaw mong makipag socialize sa faculty even with my friends. Pagnakita mo ang aking boss, sasabihin mo parati “’Di ba nagkita na tayo?”

C: Hindi naman kasi importante iyon sa atin. Boss mo lang iyon.

A: Eh, si Papa?

C: Oh, kamusta si Mang Gorio?

A: Anong Gorio, Gary ang pangalan ni Papa… Charles, obsess na ako sa iyo. Nakikita kita kahit saan: sa street, sa mall, sa filcab pag-umaga. Siyempre, hindi ikaw iyon…

C: Persepsyon mo lang iyon.

A: Hindi. Tinawagan ko si mother mo dahil sa aking malakas na pakiramdam. Sinabi niya na bumalik ka na daw galing sa Baguio and your working dito sa mall as supervisor. Gusto sana kitang tawagan pero ‘di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi rin nga ata ako magaling na face to face. (She drops her bag.)

C: Pero nandito ka na ngayon. Surprise!

A: What a shock you mean? Bakit kaya may mga bagay na gusto mo ngunit ‘di naman napapasaatin. At iyong mga bagay na ayaw mo, siya naman ang lumalapit sa iyo.

C: Ano bang ginagawa mo sa paaralan?

A: Secretary to the President. But do not change the topic. Charles, nararamdaman ko you’re still in my heart. I simply wanted to tell you that I’m so sorry for misjudging you, for misplacing my trust, kung kulang ang pagtitiwala ko sa iyo noon. I hope it’s not too late. That’s all. Do you understand?

C: ‘Di masyado.

A: Syempre hindi. Eh, wala ka ngang maalala, wala kang naririnig kahit may sumisigaw diyan sa tenga mo!

C: Paano naman?

A: Bobo ka! I’m sorry Charles, nakalimutan ko pala na ang pagiging manhid at disconnected mo sa labas ay pagiging manhid at disconnected mo rin sa loob! Sarado ka na! Ni hindi mo man lang ata nalaman na wala na ako sa iyo, na break na tayo. ‘Di mo man lang ako hinanap. Pero sasabihin ko sa iyo ito. At makining kang mabuti.. Naalala mo ‘yung MP3 Player na ibinigay ko sa iyo. Hindi talaga iyon para sa iyo. Binili ko iyon para kay Howard… narinig mo, hindi iyon para sa iyo, para iyon kay Howard Bragais. Si Howard tapos ako. Meron kaming relas… Please just remember me to your mother. Salamat sa conversation. Have a nice life. Goodbye. (Exit)

C: ‘Yung MP3 Player ko, nandoon kay Howard Bragais.

Curtain

No comments: